Ni Light A. Nolasco

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija - Iniutos na ng pamahalaang lokal ng San Jose City, Nueva Ecija na isailalim sa state of calamity ang lungsod bunsod ng pag-atake ng army worms sa mga taniman ng sibuyas sa lungsod.

Paliwanag ni Violeta Vargas, agriculturist ng lungsod, tinatapos na lamang nila ang isinasagawa nilang geo-tagging sa mga bukirin mula sa 29 na barangay na apektado ng peste.

Ipinag-utos na, aniya, ni Mayor Mario Salvador sa City Disaster Risk Reduction & Management Council (CDRRMC) na magpatawag ng agarang pagpupulong upang irekomenda ang pagdedeklara ng state of calamity sa siyudad.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Aabot na, aniya, ng 60 porsiyento ng mahigit sa 1,181 ektaryang taniman ng sibuyas ang napinsala.

Nasa P200 milyong halaga na rin ng sibuyas ang napinsala ng army worms.