Ni Angelli Catan

Malamang ay marami ang nakakaalam sa mga tv series na Arrow, Supergirl, The Flash at lalo na ang Riverdale. Ang filmmaker at nasa likod ng mga palabas na ito na si Greg Berlanti, ang magiging direktor ng bagong young adult movie na “Love, Simon”. Sina Elizabeth Berger at Isaac Aptaker naman ang magsusulat ng screenplay.

LOVE, SIMON

Si Greg Berlanti ay nagsimula bilang isang staff writer sa sikat na tv series na Dawson’s Creek. Agad din siyang na-promote bilang isang showrunner ng palabas sa pangalawang taon niya sa series.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Ang “Love, Simon” ay hango sa nobela ni Becky Albertalli na “Simon vs The Homo Sapien’s Agenda.” Ito’y nalimbag noong 2012 at nanalo ng William C. Morris Award for Best Young Adult Debut of the Year at nakasali sa National Book Award Longlist.

Ang pelikula ay tungkol sa isang 17yr old na si Simon Spier na may hindi pangkaraniwan at komplikadong kuwento kumpara sa isang normal na teenager. Kailangan maamin ni Simon sa kanyang pamilya at mga kaibigan na siya ay bakla at nagkakagusto siya sa kaklase niyang lalaki na nakilala lang niya online at hindi pa rin niya alam kung sino ito.

Ang pagresolba ng mga problema niya ay nakakatawa, nakakatakot at magpapabago ng buhay hindi lang sa buhay ni Simon kung hindi sa mga tao rin sa paligid niya.

“Wala pa kaming nakikita na high school romantic comedy na may bakla na teenager ang bida. Iyon ang bagay na wala sa ibang libro. Binasa namin ito at napasabi ng ‘Oh my God, wala pang nakakagawa nito.’ Wala pang gumagawa ng pelikula na ladlarang ipinapakita ang buhay ng isang kabataan na dumadaan sa proseso na pinagdadaanan ng isang bakla na patuloy na inaalam kung sino siya at kailan siya aamin, “ kuwento ng producer ng pelikula na si Wyck Godfrey na siya ring nag-produce ng mga pelikulang Twilight, The Fault in Our Stars at The Longest Ride.

“Madaling mahalin ang karakter ni Simon, mabait at madaling magustuhan ng mga tao na sa tingin namin ay mahalaga sa pagpapaunlad pa lalo ng karakter niya,” dagdag ni Godfrey.

Ang mga gaganap sa pelikula ay mga bago at magagaling na actor na sina Nick Robinson (Everything, Everything), Katherine Langford (13 Reasons Why), Alexandra Shipp (X-Men: Apocalypse), Logan Miller (Before I Fall), Jorge Lendeborg Jr. (Alita: Battle Angel) and Keiynan Lonsdale (The Flash) kasama ang award-winning na aktres na si Jennifer Garner at versatile actor na si Josh Duhamel.

Ang “Love, Simon” ay ipapalabas dito sa Pilipinas sa May 9 mula sa 20th Century Fox