IPINAHAYAG ni Philippine Judo Federation president Dave Carter na tinanggap ni Phoenix Petroleum president at chief executive officer Dennis Uy ang alok na maging chairman ng pederasyon at suportahan ang apat na miyembro ng Philippine team sa pamamagitan ng Siklab Atleta Pilipinas. Sagot ni Uy ang pagsasanay ng mag atleta para sa kanilang paghahanda sa Southeast Asian Games at iba pang international meet, kabilang ang Olympic qualifying.

dennis uy

Ang apat na judokas ay sina Kiyomi Watanabe at Mariya Takahashi, Sugen Nakano, at Jessei Nakano. Kasalukuyang nag-eensayao ang mga ito sa Japan.

Ayon kay Carter, mismong si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez ang umayuda sa Karate para makausap at mapasang-ayon si Uy, presidential adviser for sports.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We are very thankful with the kind of support that we are getting. It’s overwhelming,” pahayag ni Carter.

Bukod sa apat, 25 pang iba mula sa 13 sports ang sinala para mapabilang sa Siklab Atleta Pilipinas Foundation.