Mula sa Yahoo Celebrity

SUMIKAT nang husto si Lynda Carter noong 1970s dahil sa kanyang pagganap sa DC Comics’ iconic Amazonian na Wonder Woman TV series ng ABC. At ngayon, nagpapakita siya ng kahalintulad na lakas, na naglalarawan ng kanyang superheroic character sa pamamagitan ng pagbubunyag ng kanyang mga saloobin tungkol sa pang-aabusong seksuwal at maling pag-uugali na kanyang naranasan sa kasagsagan ng kanyang karera – at nagpapakita ng suporta sa lumalaking #MeToo movement.

Lynda copy

Sa panayam ni Tim Teeman ng Daily Beast, tumanggi si Carter na pangalanan ang mga taong gumawa sa kanya ng masama – ngunit agad din naman niyang sinabi na naniniwala siya bawat babaeng nag-aakusa ng pangmomolestiya kina Bill Cosby at President Donald Trump.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Para sa kanyang sariling tormentor, aniya, gumagawa na siya ng “some form of punishment and justice,” kaya nararamdaman niya na “there’s no advantage in piling on again”. Gayunman, malayo ito sa isang taong nangmolestiya sa kanya, nang balikan niya ang isang sitwasyon sa set ng Wonder Woman: “There was a cameraman who drilled a hole in my dressing room wall on the Warner Brothers lot. …They caught him, fired him, and drummed him out of the business.”

Aniya pa, “I fended off my share (of other incidents). And I’ve been afraid. If a man tried something, I would say, ‘Are you kidding me?’”

Hindi siya nagsalita noon dahil natatakot siyang magantihan.

“You wouldn’t do it. Who are you going to tell, your agent? Who’s going to believe you? No one’s going to believe you,” aniya. “And when you did push back by saying, ‘Are you kidding me?’ they would say, ‘Yes, yes.’ But it was everywhere. You’d see girls being shaken in acting classes.”

Nag-iiba na ang pananaw na ito at salamat sa #MeToo, na itinuturing niyang positibo — at long-overdue — response sa naging kaugalian na sa Hollywood. “I asked my husband if he was surprised by all the #MeToo stories. ‘Yeah, I’m surprised,’ he said. Ask any woman, they’re not surprised,” lahad niya. “It’s been going on for years. It’s not news to us (women), but it is news to you (men). We’ve been trying to tell you. We’ve been trying to tell you for a long time and you haven’t listened.”