NI EDWIN ROLLON
AMINADO si Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham Kahlil ‘Baham’ Mitra na marami pang gusot na kailangang ayusin para maisakatuparan ng ahensya ang mandato na mapangalagaan ang mga atletang Pinoy.
“Before GAB is associated only in boxing and PBA. Ngayon, hindi na. Marami na rin bagong pumapasok sa amin, like football and e-games. Right now, kinakausap na rin naming ang volleyball league and hopefully, maayos namin yun dapat ayusin sa on-line betting ng sabong,” pahayag ni Mitra.
“Although, maliit lang ang opisina ng GAB compare to other government body, malaki ang role namin para bantayan ang welfare ng ating mga pro fighters, yung game-fixing at mismatches na matagal nang problema natin. Lahat ‘yan inaayos namin,” pahayag ng three-term Palawan Congressman at dating Governor.
Sa pangangasiwa ni Mitra, kaagad siyang nakipagkasundo sa Department of Health (DOH) para mabigyan ng libreng medical assistance ang mga Pinoy boxers sa ilalim ng GAB-Department of Health Medical Licensing Assistance Program at kaagad na pinulong ang mga boxing promoters, managers, at matchmaker para mailigtas ang mga atleta na mapariwara sa pang-aabuso.
“From CT Scan to drug testing ng mga fighter natin hibndi lang boxing but for mixed martial arts, libre na ‘yan through GAB-DOH program,” sambit ni Mitra.
“Even the most progressive country in the world, hindi nagbibigay ng libreng medical sa mga fighters, tayo lang sa Pilipinas ang gumawa nyan,” aniya.
Hindi nakapagtataka at ipinagkaloob ng World Boxing Council (WBC) sa ika-55 Convention nito sa Baku, Azerbaijan sa nakalipas na taon ang ‘Commission of the Year’ award sa GAB.
“Nakatataba ng puso. Dahil sa dami ng mga miyembro ng WBC, tayo pa ang binigyan ng aard at kinila,” aniya.
Mismong si WBC President President Mauricio Sulaiman ay huminge ng pahintulot sa GAB na matularan ang naturang programa at hiniling sa iba pang mayayamang bansa na sundan ang gawain ng Pilipinas sa pangangalaga sa mga boxers.
Patuloy din ang pagsasagawa ng seminars at trainings ng GAB para ma-professionalized ang workforce ng sabong tulad ng mananari, at tulad ng iba pang pro fighters, dumadaan dins ila sa drug testing.