Mula sa Yahoo Celebrity

SANAY na si Iggy Azalea sa lahat ng Twitter drama, ngunit para sa kanya, sobra na ang mga pambabatikos sa kanya kamakailan.

Iggy copy

Sinabi ng 27 taong gulang na Australian rapper na “(she) literally wanted to die” nang kumalat sa social media ang isang video mula sa dati niyang freestyle performance nitong nakaraang linggo. Ayon kay Azalea, ang mga reaksiyon sa naturang video, na kuha sa isang music festival noong 2013, ay naging mitsa ng walang katapusang pambu-bully sa kanya.

Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony

“It was great being bullied endlessly until I literally wanted to die because y’all unearthed a trash performance from the beginning of my career. One for the books! Thank God Im a strong person.

These comments remind me how important it is to always be kind. Y’all ain’t shit,” tweet ni Azalea nitong Lunes.

Noon pa binabatikos ang pagra-rap ni Azalea, kabilang ang kanyang ginawang rap noong 2013 sa Sway in the Morning sa radyo. Kinutya iyon – na hindi eksaktong freestyle, ngunit sa halip ay inulit ang kanyang sariling kanta nang acappella — hanggang sa gawan ito ng meme.

Sa kasalukuyang pambabatikos sa kanya, suportado naman si Azalea ng kanyang mga tagahanga.