Ni MARY ANN SANTIAGO

KULONG ang driver ng aktor na si Ejay Falcon nang matukoy na siya ang naka-hit-and-run sa sasakyan ng isang konsehal sa Pililia, Rizal, nabatid kahapon.

EJAY copy

Batay sa ulat ni PO2 Rodel Payas ng Pililia Municipal Police Station, minamaneho ng suspek na si Alberto Oracion ang puting Toyota Grandia na pagma-may-ari ni Falcon, na patungo sana sa kanyang taping sa Pagsanjan, Laguna, nang maganap ang insidente dakong 6:30 ng umaga noong Miyerkules habang papaakyat ito sa Sitio Cawayan Farm sa Barangay Halayhayin.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Aminado si Oracion na nakaidlip siya dahil ilang araw na siyang puyat, kaya nasagi niya ang noon ay paakyat namang itim na Honda Civic ni Rafael Reyes, konsehal ng Tanay, Rizal.

Pero sa halip umanong ihinto ni Oracion ang sasakyan ng aktor ay nagtuluy-tuloy lamang ito ng takbo patungo sa Laguna.

Nabatid na sakay ni Oracion si Falcon nang maganap ang insidente.

Isang motorsiklo ang napadaan sa lugar, na siyang pinakiusapan ng konsehal para habulin ang sasakyang nakasagi sa kanila at makuha ang plaka nito.

Agad nakipag-ugnayan ang pulisya sa mga awtoridad sa Laguna at nagsagawa ng hot pursuit operation kaya agad nasabat ang sasakyan.

Sinabi ni PO2 Payas na agad rin namang nakalaya si Oracion nang magbayad ng piyansa at ipinagawa na rin nito ang sasakyan ng konsehal, na hindi naman nagkaroon ng pinsala sa katawan.