ITINAAS ni (kanan) Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez ang kamay ni Chelsea Lumapay ng Tagum City na tinanghal na ‘most promising athlete’ sa nakamit na siyam na gintong medalya sa arnis event sa katatapos na PSC-Batang Pinoy Mindanao leg. PSC PHOTO

ITINAAS ni (kanan) Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez ang kamay ni Chelsea Lumapay ng Tagum City na tinanghal na ‘most promising athlete’ sa nakamit na siyam na gintong medalya sa arnis event sa katatapos na PSC-Batang Pinoy Mindanao leg. PSC PHOTO

OROQUIETA CITY -- Naungusan ng Davao City ang General Santos City sa labanan ng paghakot ng gintong medalya sa huling araw ng Batang Pinoy Mindanao Leg na ginanap sa Misamis Occidental Provincial Athletics Complex (MOPAC) dito.

Humakot ng kabuuang 54 gintong medalya ang Davao kabilang ang 29 silvers at 25 bronze upang mailista ang 108 medalya sa kanilang panig. Nagpakitang gilas ang mga pambato ng Davao sa lawn tennis na sina Theresa Claire Nacito, Jessica Mae Carcueva at si Mary Rose Paradero.

Kasabay nito, hindi rin nagpadaig ang beach volleyball players ng Davao sa boys division na siyang nagdagdag ng ginto pati na ang mga basketball sa girls division para makuha ang liderato sa medal tally.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Samantala, naiwan sa ikalawang puwesto ang GenSan na humakot ng 50 ginto, 52 silver at 56 bronze na may kabuuang 158 medalya .

Nanaig ang mga pambato ng GenSan sa mga sports na Sepak Takraw at Boxing kung saan humakot pa ito ng karagdagang anim na ginto.

Naungusan ng tropa nina Van Buren Saturos, John Salazar at Van Basil Cabales ng General Santos ang koponan ng Aloran City upang makuha ang ginto sa Sepak takraw.

Sina Rederick Bautista, Gabriel de la Pena at Nelson Marc Ciudad ang naging bala ng GenSan sa boxing. Tigalawang ginto ang idinagdag nina Bautista at de la Pena para sa koponan.

Sa Table Tennis, hindi nagpadaig ang mga koponan ng Kidipawan City, Cagayan de Oro, Butuan City at Davao City.

Nasungkit ng Davao del Norte ang ikatlong puwesto sa medal tally sa kabuuang 39 ginto, 28 seilver at 40 bronze.

Nakabuntot ang Zamboanga City (38-12-26), at Tagum City (28-29-23) sa torneo na inorganisa ng Philippine Sports Commission (PSC), katulong ang City Government ng Misamis Occidental sa pangunguna ni Gov. Herminia Ramiro at Oroquieta Mayor Jason Almonte.

Ang National Finals ay nakatakda sa Setyembre sa Baguio City kung saan maglalaban ang lahat ng mga nagkampeon sa Luzon, Visayas at Mindanao Leg ng naturang kompetisyon.