Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(JSCGO Gym, Cubao)

12:00 n.t. -- Wangs Basketball-Letran vs Go for Gold

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

2:00 n.h. -- JRU vs Marinerong Pilipino

PUMANTAY sa Akari-Adamson sa ikalawang posisyon ang tatangkain ng Marinerong Pilipino habang hangad naman ng Wang’s Basketball-Letran na manatili sa top 4 sa pagbabalik ng aksiyon sa 2018 PBA D League Aspirants Cup sa JCSGO Gym sa Cubao.

Magkakasunod sa kasalukuyan sa 2nd, 3rd at 4th spot ng team standings kasunod ng namumunong Centro Escolar University (6-1) ang Falcons (6-2), Skippers ,(5-2) at Couriers (4-2).

Nakatakdang makatunggali ng Skippers sa huling laban ganap na 2:00 ng hapon ang Jose Rizal University Heavy Bombers na nabalahaw na sa ilalim pagkaraang dumanas ng anim na sunod na kabiguan matapos manalo sa una nilang laban.

Mauuna rito, makakasagupa naman ng Wang’s ang Go-for-Gold -St Benilde sa unang laro ganap na 12:00 ng tanghali.

Sisikapin ng Skippers ni coach Koy Banal na masungkit ang ika-6 nilang tagumpay kasunod ng huling panalo kontra Scratchers noong Marso 6 sa iskor na 86-80.

Muntik nilang nasilat ang CEU sa nakaraan nilang laro noong Marso 5, 75-77, pipilitin ng Heavy Bombers na maputol na ang kinasadlakang anim na dikit na kabiguan.

Napahinga naman makaraang mabakante ng 11 araw mula noong huli nilang laban, sisikapin ng Wang’s na maangkin ang panglimang tagumpay upang manatiling nasa upper half ng standings palapit sa playoff round.