PAKITANG gilas sina Henry Villanueva, Darvin San Pedro , magkapatid na Abdul Rahman at Al-Basher Buto, Mckertzee Gelua at Jimson Linda matapos manguna sa kani-kanilang dibisyon sa katatapos na 1st Batch Liga 2000 Chess Challenge, 7th leg elimination ng CEFAG Luzon Amateur Chess Challenge at ng Philippine Blitz Chess Association- CEFAG Blitz Chess Challenge nitong weekend sa Waltermart Taytay, Rizal.

Nadomina ni Villanueva, ipinagmamalaki ng Taytay, Riza, ang 1st Batch Liga 2000 Chess Challenge na may 5.5 puntos sa anim na laro.Ginapi niya ang fellow 5.5 pointers na si San Pedro ng Angono, Rizal sa tie break points para makopo ang titulo sa rapid event na sinuportahan ni sportsman Ed Madrid na pinangasiwaan nina National arbiters Boyet Tardecilla at Ernie Baltazar.

Mismong si Asia’s First Grandmaster Eugene Torre ang nagbigay ng inspirational message sa mga kalahok.

Magkasalo naman sa top honors ang magkapatid na Abdul at Al-Basher ng Cainta, Rizal matapos makalikom ng perfect 5.0 puntos sa elementary division ng 7th leg elimination of CEFAG Luzon Amateur Chess Challenge. Ang 12-years-old Abdul, Grade 6 pupil ng Karangalan Elementary School sa Cainta, Rizal ay lubos na nagpapasalamat sa kanyang mga school teacher na sina Alicia Talan, Janet Tambongco, Monica Tablatin, Lailani Pelisigas, Cristina San Luis at Rhea Avellano sa pagsuporta sa kanyang local tournaments.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Si Gelua ng Taytay, Rizal ay nakaipon ng total 4.5 puntos, iskor na naitala ni Linda ng Marikina City na tinalo niya sa tie break points tungo sa blitz crown ng 7th leg ng Philippine Blitz Chess Association- CEFAG Blitz Chess Challenge.