NASUNGKIT ng University of Santo Tomas ang finals slots sa UAAP Season 80 women’s football matapos pabagsakin ang efending champion De La Salle, 5-2, kahapon sa Rizal Memorial Stadium.

Hataw sina Charise Lemoran at Shelah Mae Cadag sa Tigresses para makaulit sa Lady Archers ngayong season at patatagin ang kapit sa No.1 tangan ang 16 puntos.

Nauna rito, binokya ng Far Eastern University ang University of the Philippines, 3-0, para makapantay sa De La Salle na may parehong 12 puntos.

Ngunit, nakuha ng Lady Archers ang No.2 spot bunsod ng bentahe sa goal scores laban sa Lady Tamaraws.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Target ng FEU na makasambot ng playoff, ngunit may dalawang laro pang nalalabi ang La Salle.

Bukod sa huling laro sa elimination kontra Lady Tamaraws sa Sabado, haharapin ng Lady Archers ang kulelat na Lady Maroons sa Miyerkules.