NI PNA
ISANG multi-million investment ang papasok sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), partikular sa Maguindanao, ngayong taon, ipinahayag ng investment official nitong Sabado.
Ayon kay Lawyer Ishak Mastura, Regional Board of Investments in ARMM (RBOI-ARMM) chair, inaprubahan nitong Biyernes ng Board ang P 290-million investment application para sa Cavendish banana plantation project ng EKASALAM AgriVentures Corp. sa Kauran, Ampatuan, Maguindanao.
Sinabi ni Mastura na ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng RBOI na ang proyektong inirehistro ay pinangunahan ng 100-percent Filipino investors, na nagawang makipag-ugnayan sa international banana market, partikular sa Bahrain at iba pang Middle Eastern countries.
Ayon kay Mastura, ang bagong investment project ay patunay na nangunguna pa rin ang Maguindanao bilang investment hub ng ARMM pagdating sa agriculture-related projects.
“Last year, the agency registered non-agri projects but this time, the ARMM is back to agricultural investments basing on the applications submitted to RBOI,” ayon kay Mastura.
“Most of the investments now in the pipeline are agri-based,” dagdag niya.
Aniya, matutuwa ang EKASALAM sa fiscal incentives, gaya ng six-year Income Tax Holidays (ITH), at sa iba pang insentibo na kaloob ng gobyerno sa simula ng commercial operations nito.
Ayon pa kay Mastura, unang pauunlarin ng kumpanya ang isang 50-hectare Cavendish banana plantation at ito ay palalawakin sa 250 ektarya. Magkakaloob ang proyekto ng 265 lokal na trabaho.
Sinabi ni ARMM Gov. Mujiv Hataman na ang EKASALAM project ang magbabago sa pananaw na karamihan sa mga mamumuhunan sa rehiyon ay mula sa labas ng ARMM “but now we have pure locals who are bold enough to establish a multi-million project”.
“The Banana fruit is very important to Filipinos not just because of its food nutritious value but it is also an income earner, job generator, and top export product. On this note, the registration of the project strengthens the initiative of putting ARMM on the map as fourth top banana producer in Mindanao and a key player in the country’s banana industry,” sabi ni Hataman.