Ni Bert de Guzman
Pinagtibay ng Kamara ang isang panukalang batas ng magbibigay ng trabaho sa mga taga-baryo o naninirahan sa kanayunan.
Layunin ng House Bill 7266 o Rural Employment Assistance Program Act na magkaloob ng pansamantalang trabaho sa bawat kuwalipikadong puno ng pamilya o single adult member ng mahihirap na pamilya.
Ang mahihirap na pamilya sa kanayunan ay tutukuyin ng National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR) of the Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Batay sa panukala, ang DSWD ang magpapatupad ng Rural Employment Assistance Program sa pakikipag-ugnayan ng local government units (LGUs).
Ang mga kasali sa programa ay maaaring magboluntaryo na gumawa ng “unskilled manual work for a minimum of 45 days but not more than 90 days in every calendar year.”
Inilalarawan ng panukala ang kanayunan o rural areas bilang mga barangay, na may populasyon nang hindi bababa sa 2,500.