mula sa Entertainment Tonight
PUMANAW na si Sister Catherine Rose Holzman ng Archidiocese of Los Angeles.
Ang 89 na taong gulang na madre na tumutol at nagsampa ng kaso para pigilan ang tangkang pagbili ni Katy Perry sa isang kumbento ay sumakabilang-buhay nitong Biyernes. Siya ay pumanaw habang nasa kasagsagan ng pagdinig sa korte ang kaso sa Los Angeles, ayon sa CBS News.
Nakatira si Sister Catherine at isa pang madre sa kumbento na nakatayo sa walong ektaryang lote sa Los Feliz ng Sisters of the Most Holy and Immaculate Heart of the Blessed Virgin Mary sa loob ng apat na dekada. Noong 2015, tinangka nilang ibenta ang ari-arian sa halagang $15.5 million sa restaurant owner na si Dana Hollister, na nagbalak gawing boutique hotel ang kumbento.
Noong 2016, napagdesisyunan ng judge na invalid ang transaksiyon ng mga madre kay Hollister, kaya si Perry naman ang nagtangkang bumili sa ari-arian. At nitong nakaraang Disyembre, may order ang jury na nagbayad si Hollister ng halos $10 million bilang kumpensasyon sa mga pinsala sa Archdiocese of Los Angeles at kay Perry para sa pakikialam sa transaksiyon ng pagbebenta sa ari-arian ng Archdiocese sa Swish Swish singer.
Sa panayam ng ET noong 2015, sinabi ni Sister Catherine na hindi umano si Perry ang tamang tao na magmimintina ng legacy ng kumbento.
“After she spoke (about) her lifestyle, and what we have been teaching for years and our older sisters have been teaching, and what we believe in, (she) just did not fit,” lahad ng madre.