Ni Mar T. Supnad

CONCEPCION, Tarlac - Hawak na ngayon ng pulisya ang isang barangay chairman nang arestuhin dahil sa pag-iingat ng ipinagbabawal na droga at baril sa Barangay San Agustin, Concepcion, Tarlac kahapon.

Kinilala ni Supt. Luis Ventura, Jr. ang suspek na si August Cruz, 41, kapitan ng San Agustin.

Ayon kay Ventura, may hawak silang search warrant na inilabas ng korte nang salakayin nila ang bahay ni Cruz.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

"Five sachets of shabu, 6 sachets of Marijuana, a fully-loaded Colt .45 caliber pistol and 6 live bullets were seized from Cruz," paliwanag ni Ventura.

Matagal nang inirereklamo si Cruz sa kanilang lugar at binansagang "untouchable" dahil hindi mahuli-huli ng pulisya.

Noong 2016, nagpositibo sa droga si Cruz nang isailalim sa drug testing ang mga barangay chairman sa kanilang bayan, na naging sanhi ng kanyang pagkakasuspinde ng anim na buwan at pagkakaharap sa kasong administratibo.