TOKYO (AFP) – Inamin ng finance ministry ng Japan ang pagdodoktor sa mga dokumento na may kaugnayan sa favoritism scandal na humihila pababa kay Prime Minister Shinzo Abe, sinabi ng isang mambabatas kahapon. Kasabay nito ang paglabas ng bagong survey na nagpapahiwatig na naaapektuhan ng eskandalo ang popularidad ng prime minister.

Nahaharap si Abe at kanyang finance minister na si Taro Aso sa tumitinding pressure kaugnay sa eskandalo, na muling lumutang nitong mga nakaraang araw kasabay ng mga alegasyon na binago ng mga opisyal ang mga pangunahing ebidensiya sa parliament.

Kabilang sa mga pangalang inalis sa mga dokumento ay ang kay Akie Abe, ang asawa ng prime minister, ayon sa ilang Japanese media outlets.

Sinabi ni Hiroshi Moriyama, Diet affairs chief sa ruling Liberal Democratic Party, na inimpormahan siya ng deputy chief cabinet secretary ng gobyerno na dinoktor ng ministry ang mga opisyal na dokumento. “I have received a report that it appears there were changes in documents,” aniya sa reporters.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Lumutang ang eskandalo noong nakaraang taon kaugnay sa pagbebenta ng lupa sa isang tagasuporta ni Abe sa napakababang presyo.