Ni GENALYN D. KABILING

Walang “invulnerable” na mayor lalo na kapag inaabuso niya ang kanyang kapangyarihan at nasangkot siya sa kalakalan ng ilegal na droga, ito ang babala ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Sabado.

Sumumpa ang Pangulo na bubuweltahan ang mga abusadong local chief executives lalo na ang mga sangkot sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

“I’m renewing the warning to mayors: Huwag kayong mag-kumpiyansa sa ‘yang ginagawa ninyo. Do not feel so invulnerable na pati ‘yung mga pulis ninyo pinapatay ninyo and you are using the Office of the Mayor as your platform for drugs distribution,” sinabi ni Duterte sa pagtitipon ng mga sundalo sa Edwin Andrews Air Base sa Zamboanga City nitong Sabado.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Talagang hihiritan kita. Hihiritan kita because you are destroying the nation,” idinugtong niya.

Inamin ni Duterte na dapat pagtiyagaan at sundin ng mamamayan ang kanilang mga halal na opisyal ng gobyerno basta’t ang mga ito ay hindi sangkot sa mga ilegal na aktibidad.

Ngunit idiniin ng Pangulo na mayroon siyang mandato “to protect the people” at “preserve the nation” sakaling masangkot ang mga opisyal sa operasyon ng ilegal na droga.

“You obey, sabi ko, maski sinong elected diyan. It could be the mayor. Ayaw natin ang ugali but then what can we do? We’re not also allowed to kill him puwera ‘yung mga mayors na sumobra talaga,” dagdag niya.

Nauna nang nagbababala ang Pangulo sa mga mayor na kasama sa kanyang drug list na itigil ang kanilang mga ilegal na aktibidad o mahaharap sa matinding consequences. Nagbanta rin siyang sususpendihin ang mga mayor na hindi mapipigilan ang pagkalat ng ilegal na droga sa kanilang lugar.