Ni Genalyn D. Kabiling

Kailangan yata ni Pangulong Duterte ng bagong close-in security aide.

Ikinasal na kasi ang kanyang aide na si Police Senior Inspector Sofia Loren Deliu sa Zamboanga City noong Sabado.

Napangasawa ni Deliu ang kasintahan niyang si Police Inspector Abdul Bassar Abdurajak. Isa si Duterte sa mga ninong sa kasal.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa reception sa Palacio de Sur, hinangad niya ang matagal na pagsasama ng mga bagong kasal.

“Best wishes on this wonderful journey as you start building your new lives together.”May your marriage last for a thousand years,” sabi ng Pangulo.

Isang tourism management graduate mula St. Louis University sa Baguio City, sumali sa Presidential Security Group (PSG) si Deliu noong 2016. Dati rin siyang Miss Philippines-Earth candidate.

Pinapili ng Pangulo si Deliu kung saan niya gustong madestino para hindi siya malalayo sa kabiyak.

“As I’ve told you before, you can choose your assignment where you are nearest to the bridegroom to be closer together,” aniya.

“We can always make arrangements na magkasama kayo, magkalapit lang para naman you start your marriage with a companionship that is constant and frequent, para mabuntis din agad,” dagdag ni Duterte, na ikinatuwa ng mga dumalo sa reception.

Pinayuhan din niya ang mga bagong kasal na respetuhin at unawain ang bawat isa.

“Marriage is not only about exchanging the sacred vows, it is also about committing a life filled with eternal love and eternal happiness despite all hardships and difficulties,” aniya.

“Continue to grow as a couple and nurture one another as you bring out the best in each other,” sabi ng Pangulo.