Ni LITO T. MAÑAGO
SA set ng Kambal Karibal naisakatuparan ni Bianca Umali ang pangarap na maging debutante. Isang birthday salubong ang handog sa kanya ng staff and crew at kapwa artista.
She turns 18 last March 2. Pero sa isang beach resort sa Sorsogon province, naganap ang simpleng party kasama ang kanyang lola na nagpalaki sa kanya, mga pinsan at kaibigan.
Sa March 17, Saturday, isang bonggang debut party ang handog ng GMA Artist Center (GMAAC) sa dalaga. Magaganap ito sa EDSA Shangri-La Hotel.
Now that she’s 18, ano ang maituturing niyang pinakamalaking accomplishment niya sa buhay?
“Biggest accomplishment in life is ‘yung pagiging independent kong tao. It’s not that easy, hindi po talaga naging madali especially at a young age. Ako, proud akong tao na independent ako. Na hindi ko kailangang umasa sa ibang tao para umusad ‘yung buhay ko,” wika ng on-screen sweetheart ni Miguel Tanfelix.
“This year na 18 na ako ‘yung gusto kong ma-accomplish, actually, more on personal talaga, gusto kong i-improve ‘yung sarili ko not only sa work but in everything that I do. And of course, bilang 18 na at adult na kailangang mas intindihin pa, mas aralin pa ang mga bagay na, kumbaga, ‘yung mga bagay-bagay na ginagawa araw-araw, ‘yung trabaho mo, lahat. Lahat ng kailangang gawin sa buhay. Mag-iiba itong lahat. Self-improvement po talaga ‘yung goal ko.”
Limang taon lang si Bianca nang maulila sa nanay. Pagkaraang ng limang taon, sumakabilang-buhay naman ang kanyang ama dahil sa heart attack. She was only 10 kaya lumaki siya sa pag-aaruga ng kanyang lola.
“Kung sino po ako ngayon is because of the people who loved me, who helped me and ‘yung mga umiintindi sa akin, ‘yung mga tumutulong sa akin. Lahat po ng meron ako, lahat ng nagagawa ko, lahat ng mga naa-accomplish ko, it’s not me but because of them,” kuwento niya.
“Sila po ‘yung dahilan kung bakit passionate ako and my parents who are now with the Lord and any ways they talked to me through the people who are with me. Through them, nare-remind ako ng parents ko to be humble and stay grounded.
“Nasa tao po talaga and it depends on how you look. It depends kung paano mo nakikita ‘yung buhay, I think and also because of personal experiences din kung paano siguro ako napalaki ng lola ko, kung paano ako lumaking mag-isa, ‘yun siguro ‘yung rason kung bakit ako ganito, kung paano ako ngayon,” sambit pa ng 18-year old lass na isa sa most promising star ng Kapuso Network.