archer copy copy

NI ANNIE ABAD

OROQUIETA CITY -- Hindi mapigil ang pagsungkit ng medalya ng mga batang atleta ng Zamboanga City sa ikalimang araw ng Batang Pinoy Mindanao Leg kahapon sa Misamis Occidental Provincial Athletics Complex dito.

Nagwagi si John Ross De Sosa sa Olympic round event sa Archery sa pamamagitan ng kanyang pitong puntos na naitala, upang masungkit ang ikalimang medalya sa nasabing kompetisyon.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Nauna nang naitala ni De Sosa ang unang apat na medalya buhat sa 30m distance cadet boys,50m cadet boys, 60m distance cadet boys at sa 1440 rounds upang ilista ang kanyang pangalan sa mga batang atleta na nakapagtala ng multiple golds sa naturang torneo.

“Medyo naging crucial yung labanan sa semifinals, kasi magaling din yung nakalaban niya na taga GenSan. but I am so proud of him kasi nagawa niyang lumaban sa finals at makuha ang panalo. So very proud ako sa kanya,” pahayag ng ama ni De Sosa na si Jonathan produkto naman ng Millenium Palarong Pambansa na sumabak noon sa athletics matapos niyang maging isang archer.

Pinaghahahandaan na ngayon ng batang si De Sosa ang kanyang pagpunta sa Baguio City upang sumabak sa National finals sa darating na Setyembre12-28. Ang unang dalawang ginto ay naitala ng 15-anyos na buhat sa kanyang Cadet Boys 30m at Cadet boys 50m kamakalawa.

“Masaya po ako kasi nadagdagan po yung gold medals ko. I think ready na po ako sa National Finals and excited po,” ayon sa 15-anyos na si De Sosa.

Kasabay ng pamamayagpag ni De Sosa sa kanyang event, nanatili naman sa ikalawang puwesto ang Zamboanga City sa kanilang 30 gold medals, 3 silvers at 15 bronze sa kabuuang 48 medals sa likod ng lider na General Santos City na may 32 golds, 34 silvers at 36 bronze sa kabuuang 102 medals.

Samantala sa swimming, hindi rin nagpahuli ang pambato ng General Sontos City na si Thea Diane Canda na naglista ng kanyang anim na gintong medalya para sa swimming event, habang limang gintong medalya naman sa swimming din ang naitala ni Mikaela Angela Talosig ng Cotabato City.

Nahakot ni Canda ang kanyang anim na gintong medalya buhat sa mga events na 200m Freestyle girls 12-under, 200m Butterfky girls 12-under, 400m freestyle girls 12-under, 400m Individual Medley girls 12-under, 800m freestyle girls 12-under at sa 200m freestyle relay.

“Masaya po ako sa panalong ito. Hindi po ako makapaniwala. gagawin ko po ang best ko sa national finals, pahayag ng 12-anyos na si Canda.

Si Talosig naman ay nagwagi sa vents na 100m Breaststroke girls 12-under, 50m freestyle girls 12-under, 50m breaststroke girls 12-under, 100m freestyle girls 12-under at 200m Breaststroke girls 12-under.

Sa iba pang medal tally results, pumangatlo ang Davao City sa kanilang 29 golds, 15 silvers at 12 bronze namay kabuuang 56 medals habang ikaapat na puwesto naman ang narating ng Davao Del Norte sa kanilang 26 golds, 20 silvers at 31 bronze sa kabuuang 77 medalya samantalang ikalimang pwesto naman ang Koronadal City sa 24 golds, 27 silvers at 28 bronze nay may 79 medalya sa kabuuan.

Ang nasabing torneo ay inorganisa ng Philippine sports commission (PSC) sa tulong ng host city na Misamis Occidental City.