Ni Gilbert Espeña
MATAPOS ang 17 taon at walong kampeonato sa iba’t ibang dibisyon, tila natuldukan na ang samahan nina eight-division world champion Manny Pacquiao at Hall of Fame trainer Freddie Roach.
Sa pahayag sa media tungkol sa laban ni Pacquiao laban kay WBA welterweight titlist Lucas Mathysse sa Hunyo 24 sa Kuala Lumpur, Malaysia, sinabi ni Pacquiao na sasanayin siya nina Restituto ‘Buboy’ Fernandez, Nonoy Neri at Roger ‘Haplas’ Fernandez.
“Pacquiao will start his training in the middle of April in his own Wild Card Boxing Gym in General Santos City.
Training will transfer to Manila from May 14 to June 1 then back to Gensan from June 2 until the second week of June,” ayon sa pahayag.
Inamin naman ni Roach sa panayam ng Los Angeles Times na kung ilang beses niyang tinawagan sa telepono si Pacquiao ngunit hindi siya sinasagot ng Pinoy boxer kaya nalalabuan na siya kung kukunin pa ng dating pound-for-pound No. 1 boxer ang kanyang serbisyo sa pagsasanay nito.
Ang relasyon nina Pacquiao at Roach ay binansagang “most successful boxer-trainer partnerships” na nagsimula noong Hunyo 2001 nang magsadya ang Pilipino sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California upang maghanap ng magsasanay sa kanya sa laban kay dating IBF super bantamweight champion Lehlohonolo Ledwaba ng South Africa.
Dalawang linggo lamang ang abiso kay Pacquiao para sa laban ang kinatatakutang si Ledbawa na pinatulog ng Pilipino sa 6th round sa klasikong laban sa Las Vegas, Nevada noong Hunyo 23. 2001 sa MGM Grand, Las Vegas, Nevada.
Huling lumaban si Pacquiao na nasa korner si Roach nang matalo ang Pambansang Kamao sa kontrobersiyal na 12-round unanimous decision kay Jeff Horn kahit muntik mapatulog ang Aussie boxer sa 9th round at naagaw nito ang WBO welterweight title sa harap ng 51,000 boxing fans sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia nooong Hulyo 2, 2017.
Kaugnay nito, itinuturing ni Pacquiao na dehado o underdog siya sa pagsagupa kay Mathysse na kilalang knockout artist.
“This is going to be a tough fight. Matthysse is also a knockout artist. But I’m excited to fight and be a world champion again,” sabi ni Pacquiao sa Philboxing.com. “I’m the underdog in this fight but I’m used to it. It serves as a big motivation for me to train and fight hard to win the crown. I like his aggressive fighting style. That’s what I want, to entertain the boxing fans. [Matthysse is] not a dirty fighter.”
May rekord si Pacquiao na 59-7-2 win-loss-draw na may 38 pagwawagi sa knockouts kumpara kay Mathysse na may 39 panalo, 4 na talo na may 36 pagwawagi sa knockouts.