MOSCOW (AP) – Sinabi ni Russian President Vladimir Putin na wala siyang pakialam sa diumano’y pangingialam ng mga Russian sa U.S. presidential election dahil walang kinalaman dito ang kanyang gobyerno.

Sa panayam ng American broadcaster na NBC News na inilabas nitong Sabado, isinuhestiyon din ni Putin na ilan sa 13 Russian nationals na kinasuhan ng United States ay maaaring hindi naman talaga Russian.

“It’s all the same to me. To me it absolutely makes no difference because they do not represent the government,’’ sagot ni Putin sa tanong ni Megyn Kelly.

“Maybe they are not even Russians, but Ukrainians, Tatars or Jews, but with Russian citizenship, which should also be checked,’’ aniya pa.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

Inireklamo rin niya ang pagtanggi ng Washington sa alok ng Russian na magtulungan sa cybersecurity issues.