Ni Martin A. Sadongdong

Bumagsak sa kulungan ang isang pulis-Palawan nang mahuli habang gumagamit umano ng ipinagbabawal na gamot, kasama ang dalawang iba pa, sa Puerto Princesa City, Palawan nitong Biyernes ng gabi.

Iniutos kaagad ni Senior Supt. Ronnie Cariaga, director ng Puerto Princesa City Police Office, na kasuhan sina PO1 Joy Celedonio, 31, ng Barangay Mandaragat, Puerto Princesa; Jaymar Sto. Niño; at Shaolin Magallanes.

Nagawa aniyang magresponde sa inuupahang apartment ng pulis nang makatanggap sila ng impormasyon na nagpa-pot-session ang mga suspek sa lugar, dakong 9:20 ng gabi.

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!

Nagulat pa, aniya, si Celedonio at mga kasama nito nang pasukin ng mga pulis ang inuupahan ng pulis, kung saan nasamsam ang hindi pa mabatid na dami ng ipinagbabawal na droga at paraphernalia.

Binanggit din ni Cariaga na kabilang si Celedonio sa sumailalim sa surprise drug test nitong nakaraang linggo sa lalawigan, at isa rin umano sa narco-cops na pinangalanan ng isang drug pusher na naaresto sa Bgy. San Pedro, Puerto Princesa, kamakailan.