Ni Fer Taboy

Sinibak sa serbisyo ang pitong tauhan ng Police Regional Office (PRO)-10 dahil sa pambubugbog sa dalawang menor de edad noong 2013.

Paglilinaw ni Atty. Robert Lou Elango, chairman ng Police Regional Appellate Board ng National Police Commission (Napolcom)-Northern Mindanao, tinanggal na nila sa serbisyo sina SPO1 Roy Sabaldana, PO3 Jhonjill Canono, PO3 Ronald Eugenio, PO2 Arniel Villamor, PO2 June Ray Kaamino, PO2 Richard Amoguis, at PO1 BS Patrick Maape.

Sa dismissal order, nakasaad na nilabag ng pitong pulis ang Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 (Republic Act 9344).

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Matatandaang dinampot ng grupo ni SPO1 Sabaldana ang dalawang kabataan na nasangkot sa isang gulo, at matapos arestuhin ay nagawa pa umanong bugbugin ang mga ito.

Agosto 25, 2017 pa inilabas ng Napolcom ang ruling nito, ngunit nitong Biyernes lamang isinilbi.

Pinadidisarmahan na rin ang pitong pulis.