NI MARIO B. CASAYURAN, Dagdag na ulat ni Bert de Guzman

INAMIN ni Senator Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao na nsaktan siya sa ginawang aksiyon ng kanyang promoter na si Bob Arum nang ilagay siya sa under card ng world title fight sa pagitan nina Terence Crawford at Jeff Horne.

Pacman at Arum copy

“Parang ganoon nga.,” pahayag ni Pacquiao sa panayam ni Cely Bueno sa DWIZ radio.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

‘’Pangit tignan,” sambit ng eight-division world champion at dating pound-for-pound king.

Ito umano ang dahilan kung bakit siya umatras sa naturang promotion, gayundin sa alok na laban kay American Mike Alvarado.

Dahil dito, ang MP Promotion na kanyang pagmamay-ari ang nakipag -ayos sa Golden Boy Promotion para sa laban sa Hunyo 24 sa Kuala Lumpur, Malaysia kontra Argentine Lucas Matthysse.

“Plantsado na,” aniya.

Nauna nang inalok ito sa Mayo, ngunit umatras si Pacman dahil sa maraming trabaho na kailangan pagtuunan sa Senado.

“Hindi naman (maapektuhan ang trabaho), kasi hindi na kami masyadong busy sa Senado,” aniya.

Inamin ni Pacman na wala pa sa kanyang bokabularyo ang salitang ‘retirement’.

Samantala, isa nang ganap na Colonel sa Reserve Force ng Armed Forces of the Philippines si Pacman matapos kumpirmahin ng Commission on Appointment ang kanyang nominasyon.

Bago naging Senador, naging kongresista rin si Pacquiao ng Sarangani province.

Ang kumpirmasyon ng Pambansang Kamay ay inendorso ng CA Committee on National Defense. Bukod kay Pacquiao, kinumpirma rin ang nominasyon nina Sen. Loren Legarda bilang Colonel ng AFP Reserve Force at Speaker Pantaleon Alvarez bilang Colonel sa Philippine Marines.