BAGO pa nagsimula ang automated elections sa presidential election noong 2010, ang pinakakaraniwang reklamo ng pandaraya ay ang pamimili ng boto, mga pekeng botante na kasama sa listahan, mga armadong lalaki na nananakot sa mga gurong nagbibilang ng boto, at mga balotang pinalitan sa mga ballot box na nakaimbak sa mga gusali ng munisipyo sakaling muling magbilangan.

Ang lahat ng ito ay nawalan ng kabuluhan dahil sa automation. Ngayon, ang makahahadlang lang sa karapatan ng tao sa eleksiyon ay ang alamin ang tamang pipindutin sa computer, na awtomatikong magpapalit sa bilang na lumalabas sa vote-counting machine.

Ito ang ipinaglalaban ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa kanyang electoral process laban kay Vice President Leni Robredo. Akusa niya, pagkatapos payagan ng ilang opisyal na itama ang spelling ng pangalan ng isang kandidato sa gitna ng bilangan, biglang nagbago ang bilang ng mga boto. Nawalan si Marcos ng 263,473 boto.

Nitong Martes, panibagong hamon ang ibinigay ni Senate Majority Leader Vicente Sotto III sa automated election system. Naitakda ang eleksiyon sa Mayo 9, 2016, aniya, ngunit noong Mayo 8, sa ganap na 9:17 ng umaga — isang araw bago ang eleksiyon — naglalabas na umano ng resulta ang ilang voting machine sa municipal voting center sa Libon, Albay. Ang machine ang bumuboto, ayon sa senador, at anim na kandidato ang nakakuha ng boto; ang iba ay walang nakuhang boto.

Sinabi rin ni Sotto na ipinakita sa logs na ang computer service sa Amerika ay napasok ang resulta ng eleksiyon sa pamamagitan ng election servers sa gitna ng kabuuang proseso. Sinabi ng senador na hindi niya masasabi kung sino ang nakinabang dito, ngunit kinakailangan itong imbestigahan dahil maaari itong pananabotahe. “If we don’t do anything to clear the the doubts as to the legitimacy of the previous election, then we put at risk the accuracy of the 2019 elections,” aniya.

Sa lahat ng unang reklamo, ang Commission on Elections (Comelec) at Smartmatic, ang namamahala sa sistema sa eleksiyon at vote-counting machines, ang ipinatawag upang magpaliwanag. Sa mga nagdaang kaso, nagawa nilang harapin ang lahat ng hamon at naghahanda na ngayon para sa mid-term election ng mga senador, congressman, at lokal na opisyal sa 2019.

Mas magiging kumplikado ang presidential election sa 2022. Gumamit tayo ng Smartmatic machines noong 2010, 2013, at 2016 elections dahil lumalabas na walang pagsisikap upang malaman ang puno’t dulo ng kasong kinasasangkutan ng automated elections.

Muling inungkat ni Senador Sotto ang isyu. Ito kaya ay aaksiyunan o babalik tayo sa parehong automated poll system na sinimulan nating gamitin noong 2010, dahil sa kakulangan ng determinasyon sa imbestigasyon?