Ni NITZ MIRALLES

SPECIAL participation lang si Mark Herras sa Contessa kaya sa pilot week lang siya mapapanood.

Pero importante ang role niya bilang si Marco Caballero, asawa ni Bea (Glaiza de Castro) na mamamatay sa araw ng kanilang kasal. Kay Bea isisisi ng pamilya ni Marco ang pagkamatay niya at magiging dahilan ng pagkakulong ni Bea at magiging daan din ng paghihiganti nito.

Glaiza and Mark 1 copy copy

Relasyon at Hiwalayan

Richard Gutierrez, Barbie Imperial kumpirmadong nasa dating stage na

Nag-pictorial si Mark para sa Contessa, pero wala siya sa presscon na pinanghinayangan ng mga reporter. Maganda sana kung dumating siya para nakapagkuwento sa kanyang role at kung bakit pumayag siyang special role lang siya.

May chemistry sina Glaiza at Mark batay sa trailer ng Contessa, sayang at sandal lang ang kanilang pagsasama.

Kinailangang patayin agad ang karakter ni Mark dahil nagti-taping na siya ng The Cure na ang sabi, sa April na ang airing. Siguro naman, muli silang pagsasamahin ng GMA-7 sa mga susunod na teleserye.

Ang role ni Bea na magiging si Contessa ang isa sa pinakamahirap na ginampanan ni Glaiza, hindi lang physically kundi emotionally at spiritually. Pero dahil trabaho, ginawa nito ang lahat para magampanan ng mahusay ang role ni Bea.

“Ibinigay ko ang lahat ko dito at ibibigay ko pa ang best ko. Ayaw kong i-fail ang network, ang co-stars k, at ang production team sa tiwala nila sa akin. Ang sarap pakinggan kanina ang sinabi ng co-stars ko na tiwala silang magagampanan ko ng mahusay ang ipinagkatiwalang role ng network sa akin. Forever grateful ako sa GMA-7 na sa akin ibinigay si Bea, kaya galingan natin,” wika ni Glaiza.

Sa March 19, pagkatapos ng Eat Bulaga ang pilot ng Contessa sa direksiyon ni Albert Langitan. Ito ang papalit sa Ika-6 Na Utos na inabot ng isang taon at apat na buwan ang airing.