PASUKIN ang naiibang mundo ng Los Angeles na ang mga pulis at mga magnanakaw ay nagsasalpukan sa bagong action thriller movie ni Gerard Butler na Den of Thieves.

Maurice Compte and Gerard Butler star in Den Of Thieves
Maurice Compte and Gerard Butler star in Den Of Thieves

Ang Den of Thieves ay tungkol sa magkaugnay na buhay ng The Regulators, isang elite unit ng L.A. County Sheriff’s Department at ng The Outlaws, ang pinakamatagumpay na grupo ng mga magnanakaw sa LA.

Pinangungunahan ng alpha dog na si Big Nick O’Brien (Gerard Butler) ang grupo ng The Regulators. Career detective siya na gagawin ang lahat mapigilan lang ang The Outlaws sa paggawa ng krimen. Ang Outlaws naman ay pinangungunahan ng kalmadong si Ray Merriman (Pablo Schreiber). Ang mga miyembro ng The Outlaws ay nagnanakaw gamit ang military skills na makukuha lamang sa military special ops service.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Pagkatapos ng ilang taong pagsasagawa ng malalaking nakawan, may bagong target si Merriman. Ito ang pinakamalaking pagnanakaw na gagawin ng grupo nila: Pasukin ang Los Angeles branch ng Federal Reserve at nakawin ang unfit U.S. currency na nagkakahalaga ng $30 milyong dolyar, bago ito sirain. Nanakawin nila ang pera na walang mag-aabalang hanapin.

Pero gumagalaw na ang Regulators at naiugnay na ang Outlaws sa ilang nakawan na hindi pa nalulutas at aalamin ang susunod nilang galaw. Sa paghaharap ng Regulators at Outlaws, malalaman nila na walang lalaban ng patas. Walang bida at kontrabida sa kanilang labanan. Lakas laban sa lakas, hanggang umabot sa makapigil-hininga at hindi inaasahang katapusan.

Ang Den of Thieves ay mula sa script at direksiyon ni Christian Gudegast, ang brilliant writer ng worldwide smash hit na London Has Fallen. Ito ang kanyang directorial debut.

Binabasa niya ang non-fiction book na Where the Money Is nang makita niya ang isang larawan sa Los Angeles Times na kuha sa Federal Reserve Bank, na may nakatambak na pera. Ang librong ito ang nagsilbing inspirasyon sa paggawa ng kuwento ng pelikula.

Na-inspire siya sa kumplikadong relasyon ng professional bank robbers at ng detectives na tumutugis sa kanila.

“I was fascinated by the specificity of their worlds,” ani Gudegast, “and how these two crews operate. Understanding what they do, and why they do it, became the fuel for the movie.”

Tampok din sa pelikula sina Evan Jones, O’Shea Jackson Jr., at Curtis ’50 Cent’ Jackson. Mapapanood ang action-packed na pelikula sa mga sinehan sa March 14, mula sa Viba International Pictures at MVP Entertainment.