Ni Reggee Bonoan

DIRETSONG tanong namin kay Erik Santos, wala bang inggitang nangyayari sa kanilang mga singer sa Cornerstone?

“Wala, kasi kung napapansin ninyo, close kaming lahat, nagsusuportahan kami sa bawat isa. Saka iba kasi ‘yung culture namin doon, iba ang leadership ni Erickson (Raymundo) sa amin, family ang binuo namin. Kapag ang isa nakikita mong nagtatagumpay, nandidiyan kaming lahat. May Viber group kami na kapag kailangan ng isa ng support, lahat kami nandidiyan,” sagot ng binatang singer.

ERIK copy

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Pinansin namin na lahat ng singers ng Cornerstone ay mayayaman, bukod sa mga nagsisimula pa lang ang career.

“Thank you kay Lord sa blessings niya, thank you sa Cornerstone dahil sa paniniwala nila sa amin. Kasi kung hindi naniniwala sa ‘yo ang management mo, mahirap ‘yun. And ang maganda kasi sa Cornerstone, they’re really invest on their artists, sobra nilang pinu-push ang kanilang artists na gawin namin ang mga bagay na gusto naming gawin at sa mga bagay na dapat naming gawin sa aming mga karera.”

Tinanong din namin si Erik kung hindi ba niya naisip na mag-audition sa Singer 2018.

“Singer 2018, why not kung may pagkakataon. Sa ngayon kasi wala, kasi focused ako sa concert ko. Pero kung may pagkakataon, gusto ko. Happy ako kay KZ (Tandingan) kasi ‘yung talent niya pang-world stage talaga. And happy ako na magkakaroon na siya ng major concert din sa Araneta.”