Ni NORA CALDERON

ISANG linggo ang shooting nina Dingdong Dantes at Anne Curtis sa Japan para sa ilang eksena ng pelikula nilang Sid and Aya (Not A Love Story) for Viva Entertainment at N2 Productions nina Neil Arce at Boy2 Quizon. Last Wednesday sila nagsimula, kaya sa Miyerkules din sila matatapos kung hindi magkakaaberya.

DINGDONG AT ANNE copy

Naunang lumipad si Dingdong with his manager Perry Lansigan at Wednesday evening naman sumunod si Anne.

Tsika at Intriga

Elijah Canlas, Miles Ocampo plano nang magpakasal?

Ssa Shinjuku sa Tokyo ang una nilang location.

Ang pelikula ay ipoprodyus ng Joyce Bernal Productions for Viva/N2 sa direksiyon ni Irene Villamor na siya ring namahala sa Meet Me in St. Gallen na patuloy pa ring ipinapalabas sa mga sinehan.

Ito na ang simula ng pamamahinga muna ni Direk Joyce sa pagdidirek ng mga teleserye at pelikula. Mas gusto muna niyang mag-concentrate sa pagpu-produce ng mga pelikula nila sa kanyang production at sa Spring Films nila ni Piolo Pascual.

Samantala, pagkatapos ng shooting ni Dingdong sa Japan, uupuan naman niya ang bago niyang project sa GMA-7. Ayon sa nakausap naming Kapuso insider, may projects nang io-offer ang GMA kay Dingdong at sa wife niyang si Marian Rivera.

Malamang daw na simulan na ang production nito pagbalik nina Dong at Marian mula sa ilang araw na bakasyon sa Europe kasama ang unica hija nilang si Zia.

Matagal nang gustong ma-meet ng personal si Baby Zia ng kanyang Lolo Fran at iba pa nilang relatives doon.