Ni Light A. Nolasco 

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija - Nagulat pa ang isang umano’y carnapper nang dakmain siya ng pulisya sa kanyang hideout sa Barangay R. Eugenio, San Jose, Nueva Ecija, nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ni Senior Insp. Genaro Divina, ng San Jose City Police, ang suspek na si Fernando Pangilinan, ng nasabing lugar na hinuli makaraang maisilbi sa kanya ang warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Serafin Cruz, ng Regional Trial Court (RTC) Branch 86 sa Cabanatuan City, sa kasong carnapping.

Ipinapalagay naman ng pulisya na matitigil na ang carnapping activities sa lugar sa pagkakaaresto sa suspek.
Probinsya

7-anyos na batang babae, ginahasa at itinapon sa balon