WASHINGTON (Reuters) – Magkikita sina U.S. President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong Un sa Mayo at nangako si Kim na iiwas sa pagsagawa ng nuclear o missile tests, sinabi ng national security ng South Korea nitong Huwebes matapos ang briefing sa mga opisyal ng White House kaugnay sa mga napag-usapan ng Seoul at Pyongyang.

“Kim pledged that North Korea will refrain from any further nuclear or missile test,” sinabi ni South Korean National Security Office head Chung Eui-yong sa mga mamamahayag sa White House.

“He expressed his eagerness to meet President Trump as soon as possible,” aniya pa. “President Trump appreciated the briefing and said he would meet Kim Jong Un by May to achieve denuclearization,” ani Chung.

Personal na inihatid ng South Korean delegation nitong Huwebes ang liham mula kay North Korean leader Kim Jong Un sa White House para kay U.S. President Donald Trump, iniulat ng CNN, binanggit ang hindi pinangalanang foreign diplomatic source.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“President Trump greatly appreciates the nice words of the South Korean delegation and President Moon. He will accept the invitation to meet with Kim Jong Un at a place and time to be determined. We look forward to the denuclearization of North Korea. In the meantime, all sanctions and maximum pressure must remain,” ipinahayag ni White House spokeswoman Sarah Sanders nitong Huwebes.