Ni Angelli Catan

Ang HealthJustice Philippines, isang organisasyon at advocacy group na may legal na kaalaman sa tabako at health promotion ay napagalaman sa Global Audit Tobacco Survey na mula 2009 hanggang 2015 ay bumaba ang smoking rate ng mga babae sa Pilipinas.

“Alam natin na malayo pa tayo sa pagtupad ng pagiging smoke free ng Pilipinas, pero ngayong Women’s month ay gusto lang naming bigyang pansin ang mga kababaihang nakayanang labanan ang kanilang tobacco dependence. Isa itong malaking pagbabago lalo na’t madalas ang mga kababaihan ang laging hinihikayat ng mga kumpanya sa pamamagitan ng pagdidisenyo ng kanilang mga produkto na alam nilang magugustuhan ng mga babae,” sabi ni Mary Ann Fernandez Mendoza, Presidente ng HealthJustice.

Ipinahayag ni Fernandez Mendoza na “base sa GATS 2015, ang pagkonsumo ng tabako ng mga babae ay bumaba mula sa 10.1% noong 2009 hanggang 5.8% ng 2015, na may relative decline na 42.8%.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ang GATS-Philippines survey ay pinamamahalaan ng Department of Health (DoH) at Philippine Statistics Authority. Ang resulta ng malawakang survey na ito ay ginawang parte ng global survey sa pakikipagtulungan sa World Health Organization(WHO).

Iba’t ibang batas din tungkol sa tabako ang naipatupad noong 2009 hanggang 2015.

Naisabatas din sa ilalim ni former President Benigno Aquino III noong Disyembre 19, 2012 ang Republic Act (RA) 10351 o ang Sin Tax Reform Law na nagtataas ng tax ng tabako.

Ang RA 10643 o Graphic Health Warnings Law na naglalagay ng mga graphic health warnings sa lahat ng klase ng lalagyan ng tabako ay naipatupad naman noong Hulyo 15, 2014.

Ang pinakabagong pagtaas ng tax sa tabako ay mula sa batas na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN), kung saan nadagdagan ng P2.50 na tax ang bawat pakete ng sigarilyo.

“Ngayon ay nakukuha na namin ang benepisyo mula sa pagkakapasa ng mga control laws sa tabako. Tinatawagan namin ang mga legislators at policymakers na patuloy gumawa ng stratehiya at paraan upang mas lalong maalagaan ang kalusugan ng mga tao, tulad ng lalong pagtataas ng tax sa tabako, “ dagdag ni Fernandez Mendoza.

Dito sa Pilipinas, 240 katao ang namamatay araw-araw dahil sa mga smoke related diseases.

Ang HealthJustice Philippines ay Bloomberg Awardee for Global Tobacco Control. Ito ay isang Program Partner ng NCD Alliance, isang internbational network ng mga eksperto at organisasyon na tumutulong sa pagbabawas ng problema ng mga non-communicable diseases sa buong mundo.