Ni Mike U. Crismundo

BUTUAN CITY - Niyanig ng 4.0 magnitude na lindol ang Siargao Island sa Surigao del Norte kahapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sinabi ng Phivolcs na naitala ang sentro ng pagyanig sa layong 25 kilometro sa hilaga-silangan ng Burgos dakong 2:06 ng madaling-araw.

Ang pagyanig na tectonic ang pinagmulan ay lumikha ng lalim na 32 kilometro.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Walang naiulat na nasawi o nasaktan sa lindol.

Nauna rito, naramdaman ang 3.0-magnitude na lindol sa Sarangani, Davao Occidental, dakong 12:32 ng madaling-araw.

Natukoy ang epicenter nito sa layong 103 kilometro sa timog-silangan ng Sarangani.