Ni Leandro Alborote

PURA, Tarlac - Isang 68-anyos na lalaki ang nasawi nang bumulusok ang sinasakyan niyang motorsiklo sa Barangay Poblacion 1, Pura, Tarlac, nitong Huwebes ng gabi.

Dead on the spot si Daniel Valdez, Sr., may asawa, ng Bgy. Poblacion 1, Pura.

Natuklasan ng pulisya na pauwi na si Valdez sakay sa kanyang motorsiklo at binabagtas ang national highway nang bigla itong nawalan ng kontrol at dumiretso sa kanal.

Kaagad na namatay si Valdez.

Probinsya

3-anyos na bata, todas sa hampas ng kawayan at inihataw pa sa semento ng sariling lolo!