Ni Jeffrey G. Damicog

Hindi maituturing na rebelde ang indibiduwal na nagbibigay ng pagkain sa armadong grupo.

Ito ang binigyang-diin ng Department of Justice (DoJ) matapos i-dismiss ang relamong rebelyon laban kay Najiya Maute, misis ng napatay na leader ng mga terorista na si Mohammadhayan “Otto” Maute.

Sa walong pahinang resolusyon, na may petsang Marso 7, napagdesisyunan ng DoJ na, “there is no probable cause to indict respondent Najiya Maute for rebellion.”

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“Her act of bringing food and being with her husband are not overt acts of rebellion,” saad sa resolusyon na nilagdaan ng panel ng prosecutors na nagsagawa ng preliminary investigation na tinawag na “Task Force Marawi” na kinabibilangan nina chairperson Senior Assistant State Prosecutor Peter Ong, Senior Assistant State Prosecutor Alexander Suarez, at Assistant State Prosecutor Josie Christina Dugay.