MEXICO CITY (AP) – Nakakairingan ng toy-maker na Mattel ang ilang kamag-anak ng Mexican artist na si Frida Kahlo hinggil sa rights sa Frida Barbie doll na inilabas bilang bahagi ng Inspiring Women series nito.

Frida doll copy

Sinabi ng great-niece ni Kahlo na si Mara de Anda Romeo na walang karapatan ang Mattel na gamitin ang imahe ni Kahlo.

Ayon sa abogado ni de Anda Romeo, nais ng kanyang kliyente na kausapin ang Mattel tungkol sa bagong disenyo ng manika.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sinabi ng Mattel sa pahayag na nakipag-ugnayan ito sa Panama-based na Frida Kahlo Corporation, ``which owns all the rights.’’

Sinabi ng abogado ng korporasyon na nakuha nito ang rights sa pamangking babae ni Kahlo na si Isolda Pinedo Kahlo, mahigit isang dekada na ang nakalilipas.

Sinabi ng mga kritiko na hindi sinasalamin ng manika ang heavy, nearly conjoined eyebrows ni Kahlo, at ang signature na Tehuana-style dresses nito.