Ni LIGHT A. NOLASCO

GUIMBA, Nueva Ecija - Hindi sukat akalain ng isang 106 na taong gulang na babae na sa isang sunog lamang matatapos ang kanyang mahabang buhay sa Guimba, Nueva Ecija, nitong Martes ng gabi.

Inihayag ng Bureau of Fire Protection (BFP), na halos hindi na makilala ang bangkay ni Dominga Gabriel Libunao nang matagpuan ng mga bombero sa kanyang bahay sa Barangay Culong, Guimba.

Sa paunang imbestigasyon ng BFP, dakong 10:15 ng gabi nang sumiklab ang apoy sa bahay ng matanda, na naiwang nag-iisa.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Sa kabila ng paghingi ng tulong ng apo na si Romnick Andaya Libunao, nabigo ang mga pamatay-sunog at mga kapitbahay na mailigtas ang matanda hanggang sa makulong ito sa nasusunog na bahay, na gawa sa light materials.

Tumanggi na ang pamilya ni Libunao na maisailalim sila sa pagsisiyasat dahil malinaw na aksidente ang nangyari.