Ni Fer Taboy
Nanawagan kahapon sa pamahalaan ang mga opisyal ng Lake Sebu, South Cotabato na matulungan ang mahigit 100 pamilyang lumikas matapos na maipit sa engkuwentro sa pagitan ng militar at ng New People’s Army (NPA).
Apela ni South Cotabato Governor Daisy Fuentes, walang matirahan at walang pagkain ang naturang bilang ng evacuees na napilitang lisanin ang kanilang lugar sa Barangay Ned sa Lake Sebu nang kubkubin ito ng mga rebelde.
Nilinaw ni Fuentes na ipinaabot na niya kay Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Jesus Dureza ang usapin.
Sa kasalukuyan aniya, nananatili sa evacuation center ng pamahalaan ang mga pamilyang apektado ng kaguluhan.
Nangangamba na rin, aniya, ang mga ito para sa sariling kaligtasan kapag bumalik sila sa kanilang lugar dahil sa presensiya at pananakot sa kanila ng mga rebelde.