Ni REGGEE BONOAN

NAGKAGULATAN ang lahat ng nagtatrabaho sa production ng pelikulang Darna ng Star Cinema sa lumabas na tsismis kahapon na shelved na ito dahil kasalukuyan pa naman silang nagso-shooting sa direksiyon ni Erik Matti.

LIZA copy copy

Matagal nang nasimulan ang Darna movie ni Liza Soberano pero hindi nga lang dire-diretso ang shooting dahil marami pang ibang ginagawa ang aktres tulad ng epic-seryeng Bagani sa karakter na Ganda na lumabas na nitong Miyerkules bilang tagapagtanggol ng mga magsasaka.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ito siguro ang naisip na dahilan ng mga nang-iintriga kaya nagpakalat na ng balitang shelved na raw ang Darna. Dahil abalang-abala si Liza sa Bagani na napakalaking project, nag-imbento na siguro ang fake news peddlers na imposible nang pagsabayin ng aktres ang pelikula at serye.

Anyway, hiningan namin ng komento ang PR manager ng Star Cinema na si Mico del Rosario tungkol dito, at nasabi niyang, “Nasa Instagram na po ang sagot namin.”

Sinilip namin ang IG account ni Mico at ipinost nga niya ang artikulong lumabas na, ‘Is Darna shelved?’ at ang sagot ng PR manager, “THIS IS NOT TRUE. Spoken already to Tito Ricky Lo and clarify that DARNA has already started shooting. Tuloy na tuloy po ang Darna.”

Kung itutuloy ang plano, posibleng maipalabas sa mga sinehan ang Darna sa last quarter of 2018 o unang quarter ng 2019. Ayon sa sources, wala sa planong isali ito sa Metro Manila Film Festival.