Ipinagluluksa ng Department of National Defense (DND) ang pagkamatay ni dating Defense Secretary at Commanding General of the Philippine Army, Maj. Gen. Fortunato Abat, na sumakabilang buhay nitong Miyerkules ng gabi.

Sa isang pahayag, sinabi ni DND Spokesman Arsenio Andolong na namatay si Abat sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City, dakong 7:00 ng gabi nitong Miyerkules.

“We will be providing you with more details shortly. We thanked him for his service to the nation,” sabi ni Andolong.

Naglingkod ang 92-anyos na si Abat bilang ika-20 kalihim ng DND, Ambassador to the People’s Republic of China, at commanding general ng Army. (Francis T. Wakefield)
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente