Ni Orly L. Barcala

Pinagbabaril hanggang mapatay ng hindi pa nakikilalang armado ang isang binata sa Caloocan City, nitong Miyerkules ng gabi.

Dead on the spot si John Paul Barros, 24, ng Barangay 174 ng nasabing lungsod.

Base sa ulat, lumabas sa bahay ang biktima upang isauli sa kapitbahay ang bangkong hiniram ng kanyang magulang, dakong 8:00 ng gabi.

Pagsapit sa kanto, biglang sumulpot ang lalaking sakay sa motorsiklo at pinagbabaril si Barros.

National

CPD undertaking sa PRC license renewal, pinalawig hanggang Disyembre 2026

Ayon sa mga kaanak ng biktima, wala silang alam na dahilan para patayin ang binata.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.