NAMAALAM na ang beteranong stage, TV at movie actor na si Bernardo Bernardo kahapon, March 8, ayon sa kanyang pamilya sa isang radio interview. 

Bernardo copy

Bernie (his monicker) was 73. Ayon sa kanyang pamangking si Susan Vecina Santos, ang wake ng kanyang namayapang uncle ay gagawin sa St. Peter’s Chapel sa Quezon City. 

Hindi nabanggit sa interview kay Susan ang sanhi ng pagkamatay ng aktor. Pero matatandaan na noong Enero, humingi ito ng dasal at tulong sa mga kaibigan dahil nakitaan ito ng pancreatic tumor na naging sanhi ng pagkawala ng kanyang appetite at mabilis na pagbagsak ng kanyang katawan. 

Musika at Kanta

Regine, nakatanggap ng apology letter matapos maetsa-pwera sa billing ng MYX Global

Matatandaan na sa isang Facebook post ni Bernardo nu’ng nabubuhay pa siya, nabanggit niyang meron siyang history ng clinical depression at anxiety attacks. 

Huling napanood ang veteran actor sa MMFF 2017 entry na Ang Larawan at nakasabay pa namin siyang nanood ng special preview nito sa Greenhills Theater; sa The Significant Other na last week pa lang naipalabas at naging bahagi rin siya ng Hele Sa Hiwagang Hapis ni Direk Lav Diaz. 

Isa sa unforgettable roles niya sa TV ang Home Along Da Riles bilang Steve Carpio, with the late King of Comedy, Dolphy. 

Taong 1981 nang parangalan siya ng Gawad Urian bilang Best Actor para sa pagganap niya sa City After Dark at nasundan ito nu’ng 2016 Gawad Urian bilang Best Supporting Actor for his sterling performance in Imbisibol.

Agad bumuhos ang pakikiramay sa mga naulila ni Bernardo sa social media. 

Sa Twitter, sabi ni Lea Salonga (@MsLeaSalonga): “Rest In Peace, Bernardo Bernardo. This has been heavy news to hear.

Tito Bernie was my very first leading man in the very first show I ever did, The King and I (he played the King of Siam and I was one of his daughters). Kind, funny, ebullient, brilliant, big hearted. Sigh.”

“Goodbye, Bernardo Bernardo. Rest well in the arms of our Father. #goodbye,” shoutout naman ng direktor na si Joey Reyes (@DirekJoey). 

“May you rest in God’s peace Mr. Bernardo Bernardo (insert cross sign emoji),” sabi naman ni Jaya (@JayaSoul).

“When I was a kid, I couldn’t wait to watch #HomeAlongDaRiles because of Bernardo Bernardo. Rest in peace, sir,” pagbabalik-tanaw naman ni Assunta de Rossi (@samledesma). 

Para kay FDCP Chair & Ceo, Liza Diño-Seguerra, “He calls me BINIBINIG MANDIRIGMA. When I became part of FDCP, sya ang isa sa mga unang bumati sa akin. At the time when everyone was in doubt, he stood up for me. Sa tuwing merong mga bashers or negative people na nagsasabi ng di maganda, siya ang unang nagtatanggol sa akin. Napakarami nyang pangarap para sa industriya.

“At sa tuwing nagkikita kami, lagi niya itong binabahagi sa akin. One time he sent this to me: ‘... a wider younger market abroad needs nurturing. Tara let’s! Let me know please. Thanks and God Bless.’ Congrats on all your brave, visionary, and tireless efforts for the Love of our Beloved Pelikulang Pilipino! We were planning to do a caravan for the Philippine youth diaspora. 

“Tito BB, pano na? Sabi mo magpapagaling ka. Bakit mo kami iniwan? Maraming salamat sa lahat. Ang hirap tanggaping wala ka na. Isang tunay na kaibigan at kakampi. Mamimiss kita sobra. Love you so much Bernardo Bernardo. Patawanin mo sila sa heaven.” (Lito Mañago)