Plano ng Department of Labor and Employment (DoLE) na ipanukala ang pagbibigay ng P100-P200 buwanang ayuda sa mga sumusuweldo ng minimum wage dahil na rin sa epekto ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ito ang sinabi ni DoLE Secretary Silvestre Bello III bilang tugon ng pamahalaan sa P500 monthly subsidy na hinihingi ng mga grupong manggagawa.

“I would attempt to recommend mga one to two hundred (pesos) na subsidy... Kung kakayanin ng ating gobyerno, ‘yung financial, why not? Pero kung hindi, hanggang [sa] kaya lang natin,” ani Bello.

Wala umanong nadagdag sa take home pay ng mga minimum-wage earner sa kabila ng bahagyang pagtaas ng minimum na suweldo alinsunod sa reporma sa income tax na nakapaloob sa TRAIN Law.

National

Amihan, ITCZ, magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa – PAGASA

Inalmahan naman ito ng grupong Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), sinabing kulang ang P100-P200 ayuda sa sangkaterbang pasanin ng mga kumikita ng minimum, na karaniwan nang breadwinner ng kani-kanilang pamilya.

Umaasa naman ang ALU-TUCP na kung hindi uubra sa mga economic manager, ay makikita ni Pangulong Duterte ang halaga ng pagbibigay ng ayuda sa mga minimum-wage earner. (Mina Navarro)