Binalasa ng Bureau of Immigration (BI) ang aabot sa 500 immigration officer (IO) nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) bilang bahagi ng management program ng kawanihan upang malutas ang kurapsiyon at mabago ang serbisyo sa mga pasahero sa paliparan.
Ipinaalam ni BI Commissioner Jaime Morente na ang mga tauhang apektado ng balasahan ay nagsimula nang pumasok kahapon sa kani-kanilang bagong terminal assignments.
Ipinatupad ang balasahan tatlong buwan matapos iutos ni Morente na magsagawa ng reshuffle sa mga IO upang maisakatuparan ang immigration formalities para sa international travelers sa arrival at departure areas.
“As a result of this latest rotation, every immigration officer assigned at the NAIA was transferred from his or her presently assigned terminal to any one of the two other terminals at the airport. Henceforth, we shall be doing this every three months instead of every six months as previously practiced,” paalala ng opisyal. (Mina Navarro)