Sinampahan na kahapon ng Department of Justice (DoJ) ng kasong kriminal ang 10 opisyal at miyembro ng Aegis Juris Fraternity kaugnay ng pagkamatay ng University of Santo Tomas (UST) law student na si Horacio “Atio” Castillo III.

Sa isang advisory, sinabi ng DoJ na nakasaad sa isinumiteng resolusyon ng kagawaran ang pagsasampa ng kaso sa Manila Regional Trial Court laban sa sampung fratman kaugnay ng paglabag sa Anti-Hazing Law (Republic Act 8049), at walang piyansang inirekomenda para sa mga akusado.

Kasabay nito, na-clear naman ng DoJ si UST Civil Law Dean Nilo Divina at ilan pa dahil sa kawalan ng probable cause at ebidensiya.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kinasuhan sina Aegis Juris President Arvin Balag, Ralph Trangia, Oliver John Audrey Onofre, Mhin Wei Chan, Danielle Hans Matthew Rodrigo, Joshua Joriel Macabali, Axel Munro Hipe, Marelino Bagtang, Jose Miguel Salamat, at Robin Ramos.

Inirekomenda rin ng DoJ ang paghahain ng kasong perjury at obstruction of justice laban sa frat member na si John Paul Solano. (Beth Camia at Jeffrey Damicog)