Ni Erwin Beleo

CAMP OSCAR FLORENDO, La Union - Aabot sa P3 milyon halaga ng alahas at salapi ang tinangay ng umano’y mga miyembro ng ‘Termite’ Gang nang looban ang isang pawnshop sa Barangay San Isidro sa Candon City, Ilocos Sur nitong Lunes ng gabi.

Binanggit ni Chief Inspector Simon Damolkis, officer-in-charge ng Candon Police, na hinukay ng grupo ang ilalim ng Maria Gracia Pawnshop para mapasok ang establisimyento.

Winasak din ng mga ito ang alarm system ng bahay-sanglaan, gayundin ang mga closed-circuit television (CCTV) camera nito upang hindi sila makilala ng pulisya.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nasamsam sa lugar ang isang hydraulic car jack, isang backpack at iba pang kagamitan sa pagnanakaw.

Malaki naman ang paniniwala ng pulisya na kagagawan ito ng Termite Gang dahil iisa lamang umano ang paraan ng mga ito sa pagnanakaw sa mga establisimyento sa lugar.