Ni Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig)

11:00 n.u. -- Akari-Adamson vs Batangas-EAC

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

1:00 n.h. -- AMA Online Education vs CEU

TARGET ng Centro Escolar University na patatagin ang kapit sa pamumuno sa pagsagupa sa AMA Online Education sa tampok na laro ngayong hapon sa pagpapatuloy ng 2018 PBA D League Aspirants Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sa kabila ng pangingibabaw, hindi pa rin kuntento si coach Yong Garcia sa larong ipinapakita ng Scorpions partikular sa nakaraang panalo kontra Jose Rizal University, 77-75.

Ang sobrang pagkukumpiyansa sa sarili lalo’t mga nasa ibabang mga koponan ang kanilang nakakatunggali ang ipinag-aalala ni Garcia.

“Dapat i-treat nila ng pare-pareho ang kalaban kasi kahit nasa ibaba yan, sila yung mas delikadong makalaban dahil walang ibang gusto yan kundi manalo, “ ani Garcia.

Magkabaligtaran ang markang hawak ng dalawang koponan na magtutuos ganap na 1:00 ng hapon, ang Scorpions na may markang 5-1 at ang Titans na may isa lamang panalo sa anim na laro.

Mauuna rito, magtutuos naman ganap na 11:00 ng umaga ang kasalukuyang pumapangalawang Akari-Adamson at ang nasa ilalim ding Batangas-Emilio Aguinaldo College.

Magtatangka ang Falcons na kumalas sa kasalukuyang pagkakatabla sa Marinerong Pilipino sa ikalawang posisyon, habang iiwas naman ang Generals na malaglag sa kailaliman ng standings kung saan sila nakaluklok ngayon kasalo ng JRU Heavy Bombers.