Ni Mary Ann Santiago

Isang pulis at dalawang iba pa ang inaresto sa buy-bust operation sa Marikina City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Eastern Police District (EPD) Director, Chief Supt. Reynaldo Biay ang mga inaresto na sina PO1 Adrian Patrick Pinalas, 29, nakatalaga sa District Public Safety Batallion (DPSB) ng Quezon City Police District (QCPD) Administrative Section, residente ng Block 55, Lot 42, Noche Buena Street, Lagro, Quezon City; Christian Gayl Villanueva Pangilinan, 32, ng 119 J Libya Extension, Barangay Nangka; at Jenalyn De Luna Jeriza, 25, tubong Sampaloc City.

Sa ulat ni PO2 Mark Vic Viloria, ng Marikina City Police, inaresto ang mga suspek sa bahay ni Pangilinan, dakong 12:10 ng madaling araw.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Unang nakatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek at ikinasa ang operasyon laban sa mga ito.

Agad dinakip ang mga suspek matapos makumpiskahan ng limang pakete ng hinihinalang shabu at P1,000 buy-bust money.

Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina Police at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.