MILWAUKEE (AP) – Tuloy ang dominasyon ng Houston Rockets para mapanatili ang pangunguna sa NBA.

Hataw si James Harden sa naiskor na 26 puntos, habang kumana si Eric Gordon ng 18 puntos para salantain ang Milwaukee Bucks, 110-99, nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) para sa ika-17 sunod na panalo.

Nalagpasan ng Rockets ang markang ‘longest winning streak’ na naitala ng Boston Celtics ngayong season. Hindi pa natatalo ang Houston mula nitong Enero 26 sa New Orleans.

Nanguna si Giannis Antetokounmpo sa Bucks sa naiskor na 30 puntos, habang nag-ambag si Khris Middleton ng 18 puntos.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

PELICANS 114, KINGS 101

Sa Sacramento, ginapi ng New Orleans Pelicans, sa pangunguna ni Anthony Davis na may 17 puntos, ang Kings para sa ika-10 sunod na panalo.

Nakalusot ang Pelicans, sa kabila ng pagka-sideline ni Davis na nagtamo ng sprained may 3;11 ang nalalabi sa third period. Sa inisyal na pagususri sa X-rays,negatibo ang naging resulta.

Matatandaang hindi na makapaglalaro sa kabuun ng season si Pelican star DeMarcus Cousins dahil sa injury.

Napantayan ng Pelicans ang franchise record na naitala noong Enero 9, 2011. Sa 10 sunod na panalo, pawang nakaiskor ang Pelicans ng 100 o higit pa na isa ring marka sa prangkisa.

CAVS 113, NUGGETS 108

Sa Denver, ratsada si LeBron James sa natipang 39 puntos, kabilang ang siyam sa krusyal na sandali para maigupo ng Cleveland Cavaliers ang Nuggets.

Kumabig si Nikola Jokic ng 36 puntos at 13 rebounds sa Nuggets, nagtamo ng 21 turnovers.

Sa iba pang laro, umiskor si DeMar DeRozan ng 42 puntos at kumsa ng assists para sa tiebreaking jumper ni Fred VanVleet sa huling 1.1 segundo ng laro; naugusan ng Los Angeles Lakers ang Orlando Magic, 108-107; pinataob ng Chicago Bulls ang Memphis Grizzlies, 119-110; tinalo ng Utah Jazz ang Indiana Pacers, 104-84;